Ano ang almoranas?
Kapag ikaw ay may almoranas (hemorrhoids), para kang may maliliit na bukol sa palibot ng iyong puwet. Itong mga parang maliliit na bukol na ito na nahahawig sa cauliflower ay mga namagang ugat ng iyong puwet.
Ang almoranas ay pwedeng nasa labas ang bukol o sa loob ng puwet. Pero ang pinaka-common na uri ng almoranas ay yung nasa labas.
Ano ang itsura ng almoranas?
Narito ang isang larawan ng taong may almoranas:
Image Source |
Di ba mukha ngang cauliflower ang almoranas dahil sa pagkakatumpok-tumpok ng namagang ugat?
Ano ang gamot sa almoranas?
Para mawala o medyo gumaling ang iyong almoranas, maaaring gawin ang mga sumusunod:
1. Mag-hot sitz bath.
Ang hot sitz bath ay ang pagbabad ng iyong puwet sa palangganang may maligamgam na tubig. Umupo sa palanggana ng mga 10-15 minutes, o hanggang sa lumamig na ang tubig – 2x a day. Ang hot sitz bath ay nakakatulong para alisin ang pamamaga ng iyong mga ugat sa puwet dahil ang mainit na tubig ay nakakatulong sa pagpapaluwag ng daluyan ng blood vessels.
Image Source |
2. Gumamit ng ice pack para sa almoranas.
Para matanggal ang pangangati at pananakit ng puwet, ayon kay Dr. Willie Ong, pwedeng gumamit ng ice pack. Para makagawa ng ice pack, kumuha ng plastik, lagyan ng yelo at balutan ng tela. Itapal o idampi ito sa almoranas ng 20 minutes – 3x a day.
3. Gumamit ng over-the-counter na gamot para sa almoranas.
Ayon kay Dr. Jen Cruz, pwedeng bumili ng OTC meds para sa almoranas. May mga gamot na suppository (yung parang madulas na kapsulang isinusuot direkta sa puwet) at may mga gamot din na ointment o cream.
Ayon kay Dr. Willie Ong, ang mga brand ng gamot para sa almoranas ay Proctosedyl at Ultrapoct. May cream/ointment at suppository forms ang mga brand na ito.
Ano ang dapat gawin para hindi lumala ang almoranas?
Kung kasalukuyan kang nagdurusa sa almoranas, gawin ang mga sumusunod para hindi ito lumala at tuloy-tuloy ang iyong pag-galing.
- Kumain ng fiber-rich foods gaya ng prutas at gulay para lumambot ang dumi at maiwasan ang pag-iri.
- Uminom ng maraming tubig para lumambot ang dumi.
- Panatilihing malinis lagi ang katawan para hindi na dumagdag pa sa pangangati ng puwet.
- Gumamit ng wet wipes kapag huhugasan ang puwet para hindi mairita.
- Huwag gumawa ng mga bagay na nakakairi gaya ng pagbubuhat ng mabibigat.
- Huwag kumain ng mga pagkaing nagdudulot ng pangangati gaya ng maaalat at mahahalang na pagkain.
0 Mga Komento