Nagkaroon ka na ba ng singaw?
Ang singaw ay maliit na pabilog na sugat sa bibig o dila (pwede rin sa lalamunan) na sobrang sakit at hapdi sa pakiramdam lalung-lalo na kung nasasagi ito.
Sa sobrang sakit ng singaw, halos hindi ka na makakain nang maayos. Ang iba nga ay nagloloko pa na mabisang pang-diet ang singaw.
Pero ano nga ba ang mabisang gamot sa singaw?
Gamot sa singaw
1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin.
Kapag may singaw tayo, ang kadalasang home remedy na inirerekomenda sa atin ay ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin. Pero paano nga ba ito nakakagamot ng singaw?
Ang asin kasi ay may kakahayang magpatuyo ng singaw. Di ba, ang singaw ay may lamang tubig na kaunti? Para bumilis ang paggaling nito, kailangang mawala yung tubig sa singaw at mabilis na matuyo.
Parang kapag kumain tayo ng pagkaing maalat. Di ba mabilis tayong nauuhaw? Kasi yung asin, parang sinisipsip yung tubig sa katawan.
Samantalang ang maligamgam na tubig naman ay nakakatulong magbigay ginhawa sa bibig, dila o lalamunan. Ang mainit na tubig kasi ay may kakayahang magpawala ng pamamaga at sakit na nararamdaman sa singaw.
Madali lang magprepare ng home remedy na ito. Magpakulo ng tubig. Magbuhos ng tubig sa baso o tasa. Haluan ng 1 kutsarang asin, o basta kaya mo yung alat.
2. Magmumog ng maligamgam na tubig na may baking soda.
Ayon kay Dr. Marie ng BuhayOFW.com, pwede ring magmumog ng maligamgam na tubig na may baking soda.
O kaya naman ay gawin mong parang paste yung baking soda sa pamamagitan ng paghahalo ng kaunting tubig lamang. Pagkatapos ay ipahid ito sa singaw na parang ointment.
3. Gamutin ang singaw gamit ang Agua Oxygenada.
Dahil ang singaw ay isang uri ng sugat, pwede itong gamutin gamit ang Agua Oxygenada o Hydrogen Peroxide. Makakabili nito sa grocery stores at drug stores.
Para gamitin ito sa singaw, ihalo ang Agua Oxygenada sa kaparehong dami ng tubig. Tapos ay ipahid na ito sa singaw gamit ang bulak.
4. Mag-ngata ng yelo.
Kung ayaw mo naman magmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin o baking soda, pwede kang mag-ngata ng yelo.
Ang malamig kasi ay nakakatulong din para maibsan ang pananakit at pamamaga na dulot ng singaw.
5. Magtapal ng hilaw na sibuyas sa singaw.
Ang sibuyas ay mayroong antibacterial properties na nakakatulong magpagaling ng sugat gaya ng singaw.
Hayaang nakatapal ang sibuyas sa singaw sa loob ng 2-3 minuto. Gawin ito 3x a day.
6. Magpiga ng vitamin E capsule at ipahid sa singaw.
Ayon kina Carol Mulvihill, RN at Mary Lou Willoughby, RN, magpiga ng vitamin E capsule at ipahid ang oil nito sa singaw. Gawin ito 3x a day.
Tandaan. Pipigain at ipapahid yung laman ng vitamin E capsule, hindi iinumin yung capsule.
Nakakatulong kasi ang pagpahid ng vitamin E oil sa pag-aalis ng pananakit at nararamdamang pagkairita dulot ng singaw.
7. Kumain ng yogurt.
Panoorin ang video interview ni Dr. Willie Ong kung paano nakakatulong ang yogurt sa paggamot ng singaw.
Ano pang gamot sa singaw ang alam niyo? Comment na!
References:
Singaw (Canker Sores or Mouth Sores): Sanhi, Lunas at Natural Remedies
Singaw (Mouth Sores)
Canker Sore Remedies
0 Mga Komento