Ano ang Gamot sa Mataas na Uric Acid?

gamot sa uric acid

Ano ang uric acid at sanhi ng pagtaas nito?

Ang uric acid ay isang uri ng kemikal na nabuo sa katawan na maaaring nagmula sa mga pagkaing mayayaman sa “purine” gaya ng atay, lamang-loob, pulang karne, sardines, mackerel, at iba pa.

Nagkakaroon din ng mataas na uric acid level ang isang tao kapag palainom ng alak, o kaya naman ay may kondisyon gaya ng gout/arthritis, diabetes, obesity, at problema sa bato o kidneys.

Kailangang mailabas ang uric acid sa katawan sapagkat ito ay isang waste product – kemikal na di kailangan ng katawan.

Nailalabas ang uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi para maregulate ang normal na level nito na naglalaro sa pag-itan ng 2.5 – 7.5 mg/dL para sa babae at 4.0 – 8.5 mg/dL para sa lalaki.

Kapag hindi nailabas ang uric acid sa katawan, mananatili ito sa daluyan ng dugo, kaya naman kapag nagpa-uric acid blood test o urine test ka, mataas ang uric acid level mo.

Ano ang gamot sa uric acid?

1. Mag-diet. 

Kapag ikaw ay sobra sa timbang, malamang ay mataas ang iyong uric acid level. Bawas-bawasan ang kain.

Huwag kumain masyado ng pagkaing mayaman sa purine gaya ng:

  • atay
  • lamang-loob
  • pulang karne
  • isdang mayaman sa omega 3 (sardines, tuna, mackerel)
  • sitaw (o kapamilya nito)
  • munggo
  • dilis
  • bagoong
  • tahong (o anumang shelled-foods)

Pwede ang lahat ng uri ng gulay maliban sa mga nabanggit. Kung kakain ng karne, huwag yung mapupulang karne gaya ng baka, kabayo, kambing, at iba pa. Pwedeng kumain ng karne ng manok at baboy.

2. Uminom ng maraming tubig.

Imbis na 8 baso sa isang araw, uminom ng 10-12 baso ng tubig. Makakatulong ang pag-inom ng mas maraming tubig para ma-flush ang mataas na uric acid level sa katawan.

3. Bawal ang alak.

Huwag uminom ng alak kung gusto mong bumaba ang iyong uric acid level.

4. Kumain ng mga maaasim na prutas.

Ang maaasim na prutas ay mayaman sa vitamin C na tumutulong para ma-flush ang sobrang uric acid sa katawan.

Pinakamainam kumain ng mansanas, dalandan, orange, lemon, bayabas, o kaya kamatis man lang.


5. Uminom ng apple cider vinegar.

Ihalo ang 3 kutsarita ng apple cider vinegar sa isang basong tubig. Inumin ito 2-3x araw-araw.

6. Uminom ng vegetable juice.

Gaya ng carrot juice o pipino juice. Pwedeng uminom nito araw-araw.

7. Uminom ng niresetang gamot ng doktor.

Ayon dito sa artikulo ni Dr. Willie Ong, ang gamot sa taong may gout na may mataas na uric acid level ay Allopurinol 100mg o 300mg tablet. Ang murang brand daw ng Allopurinol ay nagkakahalaga ng 5-10 pesos gaya ng brands na Allurase at Llanol. Ang pag-inom ng Allopurinol ay isang tableta araw-araw. Pero hindi dapat uminom nito kapag inaatake ka ng gout o rayuma. I-resume lang daw ang pag-inom ng Allopurinol kapag wala na ang sakit after ng 2 araw.

Ayon din sa artikulo ni Dr. Ong, kapag inatake ng gout, ang karaniwang gamot dito ay Colchicine tablets, at ang dalas ng pag-inom nito ay 4 na beses maghapon. Pwede rin daw uminom ng Mefenamic Acid para mawala ang kirot.


Other Sources:

20 foods to keep your uric acid at normal levels
Gout diet: What’s allowed, what’s not

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento