Halos magsugat na ba ang balat mo dahil sa hindi mapigilang pagkakamot?
Naranasan ko na din yan noong nasa elementary at high school pa lamang ako. Wala naman akong sakit sa balat, pero sadyang ang kati ng balat ko.
Kamot ako nang kamot sa hita ko, sa alak-alakan ko, o kaya naman ay sa binti ko. Ni hindi nga ako makapag-shorts dati kasi ang dami kong peklat dahil sa kamot.
Naliligo naman ako at naghihinaw ng katawan bago matulog. Pero kahit pagkatapos maligo, makati pa rin.
Pero nawala yung pangangati ng balat ko noong gumamit ako ng Dr. Wong’s Sulfur Soap. Naliligo muna ako ng normal na sabon ko tapos sunod eh yung sulfur soap.
Pero kung gusto mo ng iba pang paraan para mawala ang pangangati ng balat mo, try mo ang mga home remedies na ito:
Baking soda
Mula panlinis ng kung anu-ano o kaya naman ay gamot sa pangangati ng balat, kayang kaya ito ng baking soda. Meron kasi itong anti-inflammatory properties.
Di ba kasi kapag nangangati ang iyong balat namamantal ito o nagiging inflamed. Kaya naman kapag ginamitan mo ng baking soda ang nangangati mong balat, huhupa ito.
Para gamitin ang baking soda, haluan mo yung tubig sa timba na pampaligo mo. O kaya naman kung may bath tub ka, magbabad ka dun at least 30 minutes.
Lemon o calamansi
Magkano ba ang lemon sa palengke? Kung mahal, mag-calamansi na lang. Meron din kasing anti-inflammatory properties ang lemon at calamansi gaya ng baking soda na nakakagamot sa pangangati ng balat.
Gaya na lamang kapag masakit at nangangati yung ating lalamunan, di ba ang advice sa’tin ay uminom ng calamansi juice para mawala-wala ang pananakit at pangangati? Ibig sabihin, kayang-kaya din nitong pagalingin ang pangangati ng balat.
Malamig na tubig
Kapagka wala kang baking soda o calamansi sa bahay at mamamalengke ka pa ng mga yun, pwede mong pang-first aid sa pangangati ng balat ang malamig na tubig.
Ilubog mo yung bimpo sa palanggana ng malamig na tubig tapos pigain mo. Punasan ang balat na nangangati. O kaya naman, pwede mo syang ipanghinaw o ipampaligo.
Anu-ano pang home remedies para sa pangangati ng balat ang alam niyo? Share niyo sa comment box!
0 Mga Komento