Luyang Dilaw Para sa Hika: Nakakagaling Nga Ba Ito?

luyang dilaw para sa hika

Ayon sa American Academy of Allergy Asthma and Immunology, mayroong mahigit-kumulang na 300 milyong katao ang may hika o asthma sa buong mundo. Ang masama pa nito, mayroong 250,000 katao ang namamatay taun-taon dahil sa sakit na ito.

Maraming mga Pinoy na may hika ang walang kakayanang bumili ng mga asthma inhaler o nebulizer dahil ang mga ito ay nagkakahalaga ng 400-2000 pesos pataas.

Bagamat pwedeng pumunta sa mga barangay health center para makahiram ng aparato, mas maigi pa rin na mayroon kang sarili mong gamit na pwede mong mahigit kahit anong oras lalo na kapag emergency.

Kung wala talagang maipambili ng gamot para sa hika, maaaring mag-try muna ng mas murang alternatibo gaya ng mga halamang gamot. Ang ilan sa mga halamang gamot na kilalang nakakapagpagaling ng hika ay ang luyang dilaw.

Luyang dilaw para sa hika

Ang luyang dilaw (turmeric in English) ay luya na ang laman ay kulay orange. Madalas itong ginagamit na pampalasa at pampakulay sa mga niluluto gaya ng tinola, sweet and sour fish, adobo sa dilaw, at marami pang iba. Masarap din naman, pero para sakin, mas masarap pa rin yung pangkaraniwang luya o ginger.

luyang dilaw para sa hika
Image Source

Bukod sa ginagawa itong pampalasa at pampakulay, ang luyang dilaw ay epektibo ring gamot para sa hika. Ang luyang dilaw ay may kakayanang:

– paluwagin ang blood vessels para makapasok nang mas maigi ang dugong may oxygen
– i-relax ang mga namamagang muscles sa paligid ng respiratory system o daluyan ng hangin
– ibalik ang normal na paghinga

…dahil sa taglay nitong anti-inflammatory compounds, o anti-pamamaga.

Paano inumin ang luyang dilaw para sa hika

Iba’t iba ang pagpreprepare ng luyang dilaw para sa hika. Pero ang pinakamadaling gawin ay ang turmeric tea.

Ingredients:

1 kutsarita – tinadtad o niyadyad na luyang dilaw
4 tasa – tubig
1 piraso calamansi o 1 kutsarita honey (optional)

How to prepare:

1. Pakuluan ang 4 na tasang tubig.
2. Pagkakulo, ilagay ang niyadyad na luyang dilaw.
3. Pahinaan ang apoy, at hayaang kumulo pa ng 8-10 minuto.
4. Salain ang tsaa para maalis yung buo-buong luyang dilaw.
5. Magsalin sa isang tasa.
6. Pigaan ng calamansi, o haluan ng honey kung ayaw mo nung lasa ng purong luyang dilaw.

Uminom ng turmeric tea 3-5x per day.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento