Ang Sampung Halamang Gamot na Aprubado ng DOH

10 halamang gamot

Maraming halamang gamot sa Pilipinas, pero sa dinamirami nito, sampu lamang ang aprubado ng Department of Health (DOH).

Ang 10 halamang gamot na aprubado ng DOH ay dumaan sa matinding pananaliksik hanggang sa mapatunayan na nakakagaling nga ang mga ito. Ika nga, thoroughly tested at clinically proven.

Kaya imbis na sa iba’t ibang halamang gamot ang i-try niyo, dun na muna tayo sa aprubado bago maghanap ng iba.

1. Akapulko o Bayabas-bayabasan

Ang akapulko o bayabas-bayabasan ay halamang gamot para sa skin fungal infections gaya ng ringworm o buni.

akapulko 10 halamang gamot
Image Source

2. Ampalaya

Ang ampalaya sa English ay bitter gourd o bitter melon. Kilala ang ampalaya na halamang gamot para sa diabetes.

ampalaya 10 halamang gamot
Image Source

3. Bawang

Ang bawang sa English ay garlic. Ito ang numero unong halamang gamot para sa high blood.

bawang 10 halamang gamot
Image Source

4. Bayabas

Ang bayabas sa English ay guava. Ginagamit ito bilang halamang gamot sa paglilinis ng mga sugat dahil mayroon itong antibiotic properties na tumutulong makaiwas sa pagkakaroon ng impeksiyon.

bayabas 10 halamang gamot
Image Source

5. Lagundi

Ang lagundi ay halamang gamot para sa ubo at sipon. Pwede rin ito sa may mga asthma.

lagundi 10 halamang gamot
Image Source

6. Niyog-niyogan

Akala ko dati, ito yung niyog-niyogan na sinasabi ng DOH kasi mukha siyang maliit na niyog. Yung dahon, yung single stem, yung bilog na prutas, mukhang niyog. Bagamat niyog-niyogan din ang tawag ng iba sa halamang ito, hindi ito yung tinutukoy ng DOH.

niyog-niyogan

Ang niyog-niyogan na sinasabi ng DOH ay eto. Bagamat baging siya at hindi mukhang niyog, yung bulaklak daw kasi nito ay amoy niyog. Ang halamang gamot na ito ay ginagamit para pampurga ng mga bulate sa tiyan.

niyog-niyogan 10 halamang gamot
Image Source

7. Sambong

Ang sambong ay halamang gamot na ginagamit para sa ubo, lagnat, rayuma, high blood, pampaihi at pantanggal ng bato o kidney stones.

sambong 10 halamang gamot
Image Source

8. Tsaang gubat

Ang tsaang gubat ay mas kilalang halamang gamot para sa pananakit ng tiyan at pagtatae.

tsaang gubat 10 halamang gamot
Image Source

9. Ulasimang bato o Pansit-pansitan

Ang ulasimang bato o pansit-pansitan ay kilalang halamang gamot para sa mga may arthritis at gout.

ulasimang bato 10 halamang gamot
Image Source

10. Yerba buena

Ang yerba buena ay mabisang halamang gamot para sa mga nananakit na kasu-kasuan, o pananakit ng katawan, masakit na ulo, at masakit na ngipin. Para siyang paracetamol na may analgesic, halamang gamot nga lang.

yerba buena 10 halamang gamot
Image Source

Ito ang 10 halamang gamot na aprubado ng DOH. Pero syempre, ang magpa-konsulta sa doktor pa rin ang pinakamainam na gawin.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento