Alam niyo ba na 60{bd87aed9bb520ba0a9b06013477246a2cd3f7292a520ede915dc4128dd4da33b} ng diabetics ay naninirahan sa Asia? Akala natin mas maraming diabetiko sa Western countries pero sa Eastern pala ang mas marami.
Napakalaganap na talaga ng sakit na diabetes. Kahit wala sa lahi niyo ang diabetiko, maya-maya kapag nagpa-checkup kayo, may diabetes na pala kayo dahil sa kakakain nang marami at ng matatamis.
Ugali ng mga Pilipino ang magpa-checkup tapos hindi naman susundin ang mga niresetang gamot ng doktor para gamutin ang diabetes, dahil na rin sa kakulangan ng pera.
Buti na lang, may mga halamang gamot para sa diabetes na pwede nating makuha sa bakuran natin, o kaya ay pwedeng bilhin sa palengke na di hamak na mas mura sa mga komersyal na gamot.
Ampalaya
Kung gustong gumamit ng halamang gamot sa diabetes, unahin munang subukan ang ampalaya. Ito kasi ang aprubado ng DOH kaysa sa ibang mga halamang gamot para sa diabetes.
Preparasyon ng ampalaya para sa diabetes:
Ayon sa DOH, ganito ang preparasyon ng ampalaya para gamutin ang sakit na diabetes:
- Kumuha ng talbos o dahon ng ampalaya.
- Gayatin ang talbos ng ampalaya sa maliliit na piraso.
- Magpakulo ng 2 basong tubig sa isang pot na may 6 kutsarang talbos ng ampalaya (yung ginayat niyo).
- Habang nagpapakulo, huwag takpan.
- Pakuluan for 15 minutes.
- Salain ang pinakuluan.
- Inumin ang pinakuluang talbos ng ampalaya 3x a day. 1/3 ng pinagpakuluan.
Okra
Kung hindi naman kayo makahagilap ng ampalaya, pwede rin ang okra. Ang okra ay may mataas na konsentrasyon ng fiber na mainam din sa pagpapababa ng blood sugar level.
Preparasyon ng okra para sa diabetes:
Para sa preparasyong ng okra para sa diabetes, panoorin ito:
Naniniwala ako sa kakayahan ng mga halamang gamot na makapagpagaling. Noong unang panahon nga, wala pang mga gamot na de-tabletas, at umaasa lamang ang mga tao sa halamang gamot.
Pero siyempre, mas mabisa pa rin ang mga komersyal na gamot na nirereseta ng mga doktor para sa diabetes, kasi dumaan ang mga ito sa matinding pananaliksik.
0 Mga Komento