Ano ang Gamot sa An-An?

gamot sa an an

Ang an-an (english: white spot or Tinea versicolor) ay isang fungal infection sa balat. Ito ay sakit sa balat na may kulay puti na patse-patse gaya ng nasa larawan.

itsura ng an-an
Image Source

Pwede kang tubuan ng an-an sa iba’t ibang parte ng iyong katawan gaya ng mukha, leeg, batok, balikat, dibdib, likod, hita, binti at iba pa.

Para magamot ang iyong an-an, pwede kang bumili ng over-the-counter meds (OTC meds) o di kaya ay lapatan na lamang ito ng natural home remedies.

Gamot sa an-an: OTC meds

Maraming gamot para sa an-an ang pwede mong bilhin na hindi na nangangailangan ng reseta ng doktor gaya ng sumusunod:


1. Anti-fungal tablet

Ayon kay Dr. Hildegardes Deneros, kapag marami na ang an-an sa katawan, kailangan nang uminom ng anti-fungal tablet gaya ng Lamisil sa loob ng 1 buwan.

2. Anti-fungal cream

Para sa di masyadong malalang an-an, pahiran lamang ito ng anti-fungal cream gaya ng Ketoconazole, Clotrimazole o Terbinafine. Sundin ang direksyon ng nabiling anti-fungal cream para sa pagpapahid nito.

Gamot sa an-an: Natural home remedies

Kung hindi ka pa makakabili ng OTC meds para sa an-an, pwede mong gamutin ang iyong an-an gamit ang sumusunod na natural home remedies:

1. Coconut oil

Patakan ang isang cotton ball ng coconut oil at ipahid ito sa parteng may an-an. Hayaang matuyo. Gawin ito 2-3 times per day hanggang sa mawala ang an-an.

2. Dahon ng aloe vera

Kung may halaman kayong aloe vera, balatan ang dahon nito at kunin yung gel. Ipahid ito sa parteng may an-an. Gaya ng coconut oil, gawin ito 2-3 times per day.

3. Oregano oil

Patakan ang isang cotton ball ng oregano oil at ipahid ito sa parteng may an-an. Pagkalipas ng 30 minutes, hugasan ito. Gawin ito 1x per day.

4. Bawang

Magpitpit ng bawang para kumatas. Ipahid ito nang direkta sa parteng may an-an. Pagkatapos ng 20 minutes, hugasan ito.

Bukod sa direktang pagpapahid ng bawang sa balat, kumain din ng 3 butil ng bawang bago kumain ng kanin para mapigilan ang fungal infection sa loob mismo ng katawan.

5. Apple cider vinegar

Gumawa ng apple cider vinegar + warm water solution. Dapat parehas ang takal o sukat ng pinaghalong apple cider vinegar at maligamgam na tubig. Pagkatapos ay ipahid ito sa parteng may an-an gamit ang isang cotton ball. Pagkatapos ng 15 minutes, hugasan ito. Gawin ito 1x per day.

Bukod sa direktang pagpapahid, pwede mo ring inumin ang ginawa mong solution. Uminom ng 2 kutsara nito, 2x per day.

6. Luyang dilaw

Magpitpit ng luyang dilaw para kumatas. Ipahid ito sa parteng may an-an. Pagkalipas ng 30 minutes, hugasan ito. Gawin ito 1x per day.

7. Listerine

Tama. Listerine, yung mouthwash. May anti-fungal properties din kasi ito. Pero imbis na mumugin, ipahid ito sa an-an. Gawin ito 2x per day.

Kung hindi pa rin gumagaling ang an-an sa loob ng 2-3 weeks, magpakonsulta na sa dermatologist.

References:

An-an: Sanhi, Sintomas at Gamot sa An-an
Problema sa an-an
Home Remedies for Tinea Versicolor

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento