Ang tuberculosis o mas kilala sa tawag na TB ay isang uri ng sakit sa baga na dulot ng bacteria na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis.
Mycobacterium tuberculosis Image Source |
Kung minsan, kahit may TB ka na, wala kang ipinapakitang sintomas kasi may dalawang uri tayo ng TB.
1. Latent tuberculosis – yung TB na walang sintomas
2. Active tuberculosis – yung TB na may sintomas
Sintomas ng TB
Maaaring masabing ikaw ay may TB kung may mga sintomas kang ganito.
1. Ubo na di nawawala sa loob ng 3 linggo
2. Ubo na may kasamang makapal na plema at kulay dugo o kulay kalawang
3. Pangangalay at panghihina
4. Pagbaba ng timbang o biglaang pagkapayat dulot ng kawalang ganang kumain
5. Pagkakaroon ng lagnat sa hapon o gabi
6. Pamamawis sa gabi o night sweats
7. Hirap sa paghinga dahil sa namumuong plema sa baga
8. Pananakit ng dibdib at likuran
Sa taong may tuberculosis na hindi naagapan ang lunas, maaaring maging ganito ang kahantungan:
Taong may tuberculosis Image Source |
References:
Tuberculosis: Ano sintomas, gamot, lunas, sanhi ng sakit sa baga o tuberkulosis
Ano ang mga sintomas ng TB o tuberculosis?
Tuberculosis: Symptoms and Causes
0 Mga Komento