Kung kayo po ay hina-highblood at walang pambili ng gamot, maaari niyo pong subukan ang mga sumusunod na halamang gamot.
Ito po ay aking na-research sa Kalusugan.ph, isa sa mga pinagkakatiwalaang Pinoy health websites. Aking sisimplehan na lamang sa post na ito.
Halamang Gamot Para sa Highblood
1. Bawang
Bawang, Halamang Gamot sa Highblood |
Kabilang ang bawang sa 10 halamang gamot na aprubado ng DOH. Kaya kung naghahanap kayo ng halamang gamot para sa altapresyon, bawang muna ang inyong subukan.
Paraan ng paggamit:
1. Maghiwa ng bawang at ilagay sa ilalim ng dila sa loob ng ilang minuto.
2. Pwede ring dikdikin at kunin ang katas.
2. Sariwang buko juice
Buko Juice, Halamang Gamot sa Highblood |
Bukod sa UTI, pwede ring panggamot ang buko juice sa highblood.
Paraan ng paggamit:
1. Inumin na parang tubig. Huwag haluan ng asukal.
3. Salabat
Salabat, Halamang Gamot sa Highblood |
Hindi lamang pampaganda ng boses ang salabat, ang maanghang at matapang na lasa nito ay nakakapagpababa rin ng altapresyon.
Paraan ng paggamit:
1. Maglaga ng luya.
2. Salain at inumin ang pinaglagaan.
4. Kintsay
Kintsay, Halamang Gamot sa Highblood |
Masarap na sahog ang kintsay sa mga pagkain, lalo na sa bihon. Ang maganda pa nito, ito ay nagtataglay ng kemikal kontra altapresyon.
Paraan ng paggamit:
1. Kainin nang hilaw.
2. Pwede ring gamiting pansahog sa vegetable salad.
5. Gumamela
Gumamela, Halamang Gamot sa Highblood |
Tama. Nakakain pala ang bulaklak ng gumamela, at mabisa itong pantanggal ng sodium o asin sa katawan na nagiging sanhi ng highblood.
Paraan ng paggamit:
1. Magpatuyo ng bulaklak ng gumamela.
2. Ilaga ang pinatuyong bulaklak.
3. Salain at inumin ang pinaglagaan.
6. Buto ng sunflower
Sunflower, Halamang Gamot sa Highblood |
Hindi lang masarap na kutkutin ang buto ng sunflower, pero pwede rin itong gamot sa highblood.
Paraan ng paggamit:
1. I-roast ang buto ng sunflower.
2. Huwag lalagyan ng asin.
3. Balatan at kainin.
Ang mga halamang gamot na ito ay madali lamang matatagpuan sa ating mga bakuran o kaya ay sa mga supermarket ng mall o palengke. Marami pang iba’t ibang halamang gamot para sa highblood, pero nakasalalay din ang iyong paggaling sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang lifestyle. Kumain nang balanse, mag-ehersisyo at wag mag-bisyo.
0 Mga Komento