Maraming whitening soaps ngayon sa market, pero yung mga effective talagang sabon na pampaputi eh nagkakahalaga ng 1000 plus pesos, at talaga namang nakakawasak ng budget.
Kaya nag-research ako ng mga natural na paraan para pumuti ang balat. Marami akong nakikita na gumamit daw ng oatmeal, yogurt, honey, almond milk, at iba pang mga sangkap na ang hihirap naman hanapin sa Pilipinas, o kaya naman ay mahal. Kaya ang isinama ko na lang dito ay yung mga madaling hanapin sa palengke.
Kung gusto mong pumuti ang iyong balat in a budget, try mo gawin ang mga home treatment na ito:
Pampaputi ng balat: Lemon o calamansi
Lemon o Calamansi: Pampaputi ng Balat |
Parang ang sosyal naman, lemon. Kala ko ba yung madali lang hanapin?
Marami na pong lemon na itinitinda sa palengke, sa may mga prutasan. Kung namamahalan kayo sa lemon, pwede rin ang calamansi.
- Para gamitin itong pampaputi ng balat, gayatin lang ang lemon o calamansi.
- Ikuskos ito sa mga parte ng katawan na gusto mong pumuti. Pwede rin sa mukha. Pero huwag ipahid kung ikaw ay may mga tagihawat kasi mahahapdian ka.
- Hayaang tumagal ang katas ng lemon o calamansi ng mga ilang minuto (2-3 minutes).
- Pagkatapos ay hugasan ito gamit ang maligamgam na tubig.
- Gawin ito kapag ikaw ay naliligo sa umaga at gabi.
Pampaputi ng balat: Kamatis
Kamatis: Pampaputi ng Balat |
Ang kamatis ay kilalang pampalinaw ng mata, pero kilala rin itong pampaputi ng balat.
- Para gamitin ang kamatis, gumawa ng “paste” mula rito. Parang gagawin mo siyang facial mask o pantapal sa balat.
- Kung ikaw ay may blender, i-blender ang kamatis. Kung wala naman, gayatin at tadtarin ito nang pino.
- Ipahid ang tomato paste sa balat. Hayaan ito sa balat within 20 minutes.
- Hugasan ng maligamgam na tubig.
- Gawin ito isang beses sa loob ng isang araw.
- Para mas epektibo ang kamatis, uminom din ng homemade tomato juice tuwing umaga.
Pampaputi ng balat: Papaya
Papaya: Pampaputi ng Balat |
Gaya ng pag-inom ng tomato juice, ang pagkain ng papaya araw-araw ay nakakaputi na. Pero pwede ka ring gumawa ng paste o facial mask mula sa papaya.
- Magdurog ng hinog na papaya.
- Haluan ito ng lemon juice (o calamansi juice).
- Ipahid sa mukha at balat.
- Hugasan after 20 minutes.
- Gawin ito isang beses sa loob ng isang araw.
Ano pang natural na paraan ang alam niyong pampaputi ng balat?
0 Mga Komento