Gamot sa insomnia
Kung ikaw ay may insomnia o hirap makatulog sa gabi, narito ang ilang mga paraan upang makatulog ka nang mahimbing:
1. Matulog nang nakapatay ang ilaw.
Ang liwanag ay nakakasilaw kaya naman hindi ka talaga makakatulog. Isa pa, ang pagtulog ng walang ilaw ay nakakatulong sa iyong katawan para mag-produce ng hormone na melatonin – ang hormone na nakakatulong satin para antukin. Subalit, ang melatonin ay naproproduce lamang kapag gabi o kapag madilim. Kaya mainam na matulog ng walang ilaw.
2. Magsuot ng eye mask.
Kung ayaw mo namang patayin ang ilaw, magsuot na lamang ng eye mask. Mura lang ang eye mask, nasa 40-50 pesos. Marami sa kalye at divisoria.
3. Huwag mag-cellphone, mag-tablet, mag-laptop o manuod ng TV.
Ang lahat ng ito ay nagproproduce ng liwanag, at nakakasakit ng mata at ulo lalo na’t patay ang ilaw. Hindi talaga ito mabisang pampatulog gaya ng nakagawian na.
4. Huwag uminom ng alak.
Totoong ang ilang tagay ng alak ay nakakapagpatulog. Pero kapag na-metabolize na ito ng katawan, mawawala ang epekto nito na nagreresulta lamang sa pagkakaroon ng “mababaw” na tulog. Pansinin mo, pagkatapos mo uminom, maaga kang nagigising – mga madaling araw. Alas dos. Alas tres. Tapos hindi ka ulit makakatulog. Nakatulog ka nga, ngunit kulang. Tapos pag-gising mo pa, may hangover.
5. Huwag uminom ng kape.
Ang kape ay may caffeine. Hindi ito pampatulog. Pampagising ito. Kaya nga di ba tuwing umaga, umiinom ng kape para magising.
6. Uminom ng gatas.
Bawal ang alak. Bawal ang kape. So ano ang pwedeng inumin? Para makatulog, uminom ng mainit na gatas. Ang gatas kasi ay nakakatulong para mag-produce ng melatonin, ang hormone na nagpapaantok.
7. Huwag manigarilyo bago matulog.
Ang sigarilyo o yosi ay may nicotine. Ang nicotine ay stimulant, ibig sabihin ay pampagising.
Ilan lamang ito sa mga paraan para ikaw ay makatulog sa gabi.
0 Mga Komento