Image Source |
Ang urinary tract infection (UTI) ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng ihi o urinary system.
Sanhi ng UTI
- Hindi sapat ang iniinom na tubig. Mas nagiging marami ang konsentrasyon ng bacteria sa ihi kapag mahina kang uminom ng tubig.
- Pagpipigil ng ihi. Ang ihi ay natural na may bacteria, kaya kapag hindi agad ito inilabas, naiipon ang bacteria sa pantog.
- Poor hygiene. Kapag hindi hinugasan nang ayos ang puwerta o vagina, naiiwan ang bacteria sa daanan ng ihi.
- Madalas na pagkain ng tsitsirya at pagkaing maaalat. Maaaring magdulot ng sakit sa bato o kidneys na nagiging sanhi naman ng hirap sa pag-ihi.
- Pakikipagtalik. Pagkahawa sa taong may UTI sa pamamagitan ng pakikipagtalik – honeymoon cystitis.
Sintomas ng may UTI
Maaaring malaman kung ikaw ay may UTI kung nararanasan mo ang alinman sa mga sintomas na ito:
- Minsan wala
- Mahapdi o masakit na pag-ihi
- Madalas na pag-ihi pero laging kakaunti
- Pananakit sa bandang pantog
- Madilaw o malabong dilaw na ihi
- Mamula-mulang ihi (may kasamang dugo)
- Amoy kalawang na ihi
- Pananakit ng bandang likuran
- Panghihina o panginginig
- Pagkakaroon ng lagnat (dulot ng impeksyon)
Pwede ring malaman kung ikaw ay may UTI sa pamamagitan ng pagpapa-laboratory na urinalysis – nasa halagang 50 pesos.
Gamot sa UTI
Antibiotic
- Uminom ng antibiotic. Ayon kay Dr. Willie Ong, ang mga antibiotic na pwedeng inumin para sa UTI ay Amoxicillin 500mg tablet, na nagkakahalaga lamang ng 5-10 pesos. Uminom ng Amoxicillin 3x sa 1 araw sa loob ng 3 araw. (8am-1pm-6pm)
- Kung hindi gumaling ang UTI sa Amoxicillin, mag-shift sa Ciprofloxacin 500mg tablet pero mas mahal na gamot, at inumin ito 2x sa 1 araw hanggang sa gumaling – kadalasan 3-5 days. (8am-6pm)
Home Remedies sa UTI
- Uminom ng maraming tubig. 8-12 glasses per day
- Uminom ng buko juice o cranberry juice. Nakakatulong magpaihi dahil uri sila ng diuretic.
- Maglagay ng heating pad sa may bandang puson para guminhawa ang pakiramdam.
- Kumain ng pinya. Nagpapataas ng acidity sa loob ng katawan dahil ayaw ng bacteria ang acidic environment.
- Lahukan ng 1 kutsaritang baking soda ang 1 basong tubig. Binabawasan nito ang acidity ng ihi para mabalanse ang acidity at basicity.
Sources:
Pinoy MD Question of the Week: Ano ang puwedeng lunas sa urinary tract infection o UTI?
Impeksiyon sa ihi o UTI
Ano ang UTI? Sintomas, sanhi, lunas, gamot at remedies o treatments
0 Mga Komento