Image Source |
Ano ang vitamin E?
Ang vitamin E o tocopherol ay isang uri ng bitamina na natutunaw sa mga taba. Ito ay kilala sa pagiging mayaman nito sa antioxidant properties o anti-cancer properties. Matatagpuan ang vitamin E sa vegetable oils, karne, itlog, prutas at gulay.
Ano ang maitutulong ng vitamin E sa katawan?
Maraming maidudulot ang vitamin E sa katawan gaya ng:
- Pagkakaroon ng malinaw na mga mata
- Malusog na balat
- Pagsugpo sa mga sakit sa puso at mataas na presyon
- Pagsupil sa sakit na diabetes
- Pagpigil sa mga iba’t ibang uri ng cancer gaya ng cancer sa lalamunan at baga
- Pag-iwas sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at iba pang mga sakit sa nervous system
- Pag-iwas sa pagkakaroon ng komplikasyon na dulot ng pagbubuntis
Ano ang mga pagkaing mayaman sa vitamin E?
Ayons sa World Health Foods, ang mga pagkaing may pinakamayamang source ng vitamin E ay ang mga sumusunod:
- sunflower seeds
- almonds
- spinach
- swiss chard
- avocado
- peanuts
- turnip greens
- asparagus
- beet greens
- mustard greens
0 Mga Komento