Image Source |
HINDI nakakabilis ng pag-galing ang pagkain ng malansa para sa taong may chickenpox o bulutong tubig.
Isa ito sa mga kasabihan ng matatanda na hindi natin dapat sundin at hindi na dapat pang palaganapin.
Bakit ba nila nasabi na mabilis na nakakagaling ang pagkain ng malansa para sa taong may bulutong?
Ayon sa kanila, ang pagkain ng malansang pagkain ay nakakatulong para “pumutok” agad ang bulutong. At kapag pumutok na ito agad, mabilis na raw itong maghihilom – na siya namang gusto ng lahat.
Kung ating iisipin, para nga namang may sense ang paliwanag nila. Kung mabilis pumutok ang matubig-tubig na pantal ng may bulutong, mabilis itong matutuyo at gagaling.
Pero kung mas iisipin nating mabuti, ang pagpapakain ng malansang pagkain sa taong may bulutong ay MALI.
Bakit hindi dapat pakainin ng malansang pagkain ang taong may bulutong?
Ang taong binubulutong ay nakakaranas ng pangangati, at ang malalansang pagkain ay nagdudulot din ng pangangati. Bakit pa natin kailangang dagdagan ang pagdurusa ng mga taong may ganitong sakit sa balat.
At kapag pinakain pa natin sila ng malalansang pagkain gaya ng mamantikang isda, alamang, bagoong at iba pa, mas mangangati sila lalo. Anong mangyayari? Kakamutin nila ito at malamang sa malamang, magsusugat ang kanilang balat dahil sa iritasyon, na magdudulot naman ng impeksiyon.
Di ba ang kabilin-bilinan ng mga doktor, HUWAG kakamutin ang balat. Bakit pa naman natin sila bibigyan ng “trigger” para magkamot sila?
Paano gagaling agad kung hindi papaputukin ang bulutong?
Hindi na kailangang paputukin pa o pagtitirisin ang mga matubig-tubig na bulutong para gumaling. Kusa itong matutuyo. Parang kapag napaso ka at lumobo yung balat na napaso, pagkalipas ng ilang araw, wala na yung tubig sa napaso mong balat – naging “flat” na ulit yung balat.
Narito ang karagdagang ebidensya na di dapat pakainin ng malalansa ang mga may bulutong:
Foods to Avoid for Chicken Pox
5 Foods to Avoid when you have Chicken Pox
Foods To Avoid When You Have Chicken Pox
0 Mga Komento